--Ads--

Pabibilisin ng pamahalaan ang paggastos para sa mga proyekto upang makatulong na pasiglahin ang ekonomiya sa gitna ng paghina ng piso laban sa dolyar.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bumagal ang public spending matapos ipahinto at suriin ang ilang kontrata sa Department of Public Works and Highways o DPWH, na nagdulot ng pagkaantala sa mga proyekto at nakaapekto sa economic growth at employment.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na unti-unti nang bumabawi ang paggastos ng gobyerno at inaasahang makakahabol sa antas noong nakaraang taon sa mga susunod na buwan.

Inaasahan din niyang gaganda ang economic indicators, kabilang ang economic growth at employment, sa kabila ng inflation at mga kaguluhan sa ibang bansa.

--Ads--

Tiniyak naman ni Marcos na patuloy na tututukan ng pamahalaan ang pagpapababa ng presyo habang pinabibilis ang paggastos upang masuportahan ang ekonomiya.