--Ads--

Mas mataas kumpara noong nakaraang taon ang perang ipinadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Pilipinas matapos umabot sa $3.03 bilyon ang cash remittances noong Agosto 2026, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa inilabas na, mas mataas ito sa $2.98 bilyon noong Agosto 2025, ngunit mas mababa sa $3.24 bilyon na naitala noong Hulyo 2026.

Karamihan sa mga padala ay nagmula sa United States, Singapore at Saudi Arabia.

Samantala, bahagya ring tumaas ang kabuuang personal remittances na kinabibilangan ng peran g ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko at impormal na paraan, gayundin ng mga padalang produkto o iba pang bagay sa kanilang pamilya.

--Ads--