--Ads--

Patuloy ang panawagan ng awtoridad sa mga vendor ng Banchetto sa Cauayan City na panatilihin ang disiplina, kaayusan at kalinisan ngayong huling araw ng naturang aktibidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Mallillin, hepe ng Public Order and Safety Division, sinabi nitong mahalaga ang pagkakaisa ng mga nagtitinda at mamimili upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa lugar, lalo na sa wastong pagtatapon ng mga basura.

Hinimok din ang mga vendor na tiyaking malinis ang kanilang mga puwesto matapos ang kanilang operasyon upang maiwasan ang pag-iwan ng mga kalat sa paligid.

Inaasahan namang patuloy na dadagsa ang mga mamimili sa huling araw ng Banchetto, kaya mahalagang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa lugar.

--Ads--

Binigyang-diin din ng mga awtoridad na ang pagpapanatili ng kalinisan ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan, kundi maging ng mga vendor at mamamayang nakikibahagi sa naturang aktibidad.