--Ads--

Masusundan pa ng iba pang opisyal ang apat na sinibak sa puwesto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa mga proyekto ng ahensya.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, posibleng may iba pang opisyal na managot habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa mga kuwestiyonableng proyekto, partikular sa mga flood control project.

Kabilang sa mga sinibak ang tatlong opisyal ng DPWH sa Davao na sina District Engineer Richard Ragasa, Assistant District Engineer Lilibeth Sarmiento, at Construction Chief Roberto Mamaril.

Sinibak din si Engr. Renato Catingub, Construction Chief ng DPWH sa Cebu, kaugnay ng mga alegasyon ng iregularidad.

--Ads--

Patuloy namang tinututukan ng DPWH ang mga reklamo at posibleng paglabag ng mga opisyal nito bilang bahagi ng hakbang na panagutin ang mga sangkot sa mga kuwestiyonableng proyekto.