--Ads--

Bumaba sa ika-20 puwesto sa pinakabagong Women’s Tennis Association (WTA) rankings si Filipina tennis ace Alexandra “Alex” Eala batay sa inilabas na talaan nitong Lunes.

Huling nasa world No. 20 si Eala noong unang bahagi ng Agosto bago umakyat sa ika-18 puwesto noong Agosto 24. Napanatili niya ang career-high ranking na No. 18 sa loob ng limang linggo bago bumaba sa ika-19 noong Oktubre 12.

Ayon sa WTA, nakabatay ang rankings sa rolling 52-week system, kung saan kinukuwenta ang puntos ng mga manlalaro mula sa maximum na 18 torneo.