--Ads--
Ipinagdiwang ng aktres na si Bea Alonzo ang kaniyang ika-39 na kaarawan kasama ang asawang si Vincent Co, pamilya at malalapit na kaibigan sa isang pribadong selebrasyon.
Kapansin-pansin ang aktres sa kaniyang pulang kasuotan sa pagdiriwang, na siyang unang kaarawan niya bilang may-asawa matapos silang ikasal ni Vincent sa isang sorpresang civil ceremony noong Hulyo.
Ang selebrasyon ay kasunod ng pagbubukas ng unang pisikal na tindahan ng BASH, ang travel at essentials brand ng aktres, sa Makati City.











