--Ads--

Iginiit ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro na ginagamit umano ng China bilang sandata ang mga produktong iniluluwas nito at maging ang mga mamamayan nito sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Manila at Beijing.

Sa isang panayam, sinabi ni Teodoro na labis ang pagdepende ng Pilipinas sa mga produktong mula China, na maaari umanong gamitin ng Beijing bilang panggigipit, kabilang ang pagbabanta na pauuwiin ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Kaugnay ito ng tumitinding tensiyong diplomatiko matapos ang pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa sa West Philippine Sea.

Dahil dito, hinimok ni Teodoro ang pamahalaan na humanap ng alternatibong merkado at palakasin ang lokal na industriya upang mabawasan ang pagdepende sa China at matiyak ang sapat na suplay ng mga pangunahing produkto.

--Ads--