--Ads--

Target ng Pamahalaang Lungsod ng Ilagan na makahikayat pa ng mas maraming international events at malalaking aktibidad sa Capital Arena upang mapalakas ang turismo at makalikha ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Josemarie “Jay” Diaz ng Ilagan City, sinabi niyang may mga international groups na nagpapakita na ng interes na makipag-negosasyon sa lungsod para sa posibleng pagdaraos ng kanilang mga aktibidad sa Capital Arena.

Ayon sa alkalde, kabilang sa dahilan ng interes ng mga organizers ang kapasidad ng arena na tumanggap ng halos 10,000 katao at ang mga nauna nang malalaking sporting events gaya ng PVL, MPBL at PBA.

Inaasahan namang makikinabang hindi lamang ang venue kundi maging ang mga lokal na negosyo at sektor ng transportasyon sa pagdagsa ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar.

--Ads--