--Ads--

Iniulat na pinag-aaralan ng China ang sampung posibleng hakbang laban sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa South China Sea.

Kabilang dito ang sanctions sa mga politikong Pilipino, pagbawas ng suplay ng langis at pataba, paghihigpit sa turismo at pag-export ng mahahalagang produkto, at pagpapaalis sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Iniuugnay ang mga posibleng hakbang sa lumalalang sigalot sa karagatan at sa mga pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Gayunman, hindi pa opisyal na kinukumpirma ng Beijing ang mga iniulat na hakbang.

--Ads--