--Ads--

Binatikos ni US President Donald Trump ang NBA superstar na si LeBron James dahil umano sa kawalan nito ng respeto sa pambansang awit ng Estados Unidos.

Sa post ni Trump sa kaniyang Truth Social account, ibinahagi niya ang video ni James na gumagawa ng mga galaw na tila warm-up habang nakapila kasama ang kaniyang mga kakampi sa Philadelphia 76ers.

Ayon kay Trump, isang kahihiyan ang ginawa ng basketbolista at dapat itong humingi ng paumanhin sa mga sundalo at bayaning nasawi para sa watawat at sa bansa.

Gayunman, hindi pa malinaw kung kailan kinunan ang video. Wala ring agarang pahayag si James o ang pamunuan ng 76ers kaugnay ng batikos.

--Ads--

Hindi ito ang unang pagkakataong pinuna ni Trump ang mga atleta dahil sa kanilang asal habang tinutugtog ang pambansang awit. Noong una niyang termino, binatikos din niya ang NFL player na si Colin Kaepernick na lumuhod bilang protesta laban sa racial injustice at police brutality.