--Ads--

Muling gumawa ng hakbang si US President Donald Trump upang higpitan ang birthright citizenship matapos niyang lagdaan ang isang kautusan na naglalayong pigilan ang mga dayuhang pumapasok sa Amerika bilang turista ngunit umano’y may planong manganak sa bansa upang mabigyan ng U.S citizenship ang kanilang anak.

Ayon kay Trump, nagagamit na aniya sa maling paraan ang birthright citizenship at nawawala na ang tunay na layunin nito.

Sinabi naman ni Stephen Miller, isa sa mga pangunahing tagapayo ng pangulo, na saklaw din ng kautusan ang mga anak ng mga miyembro ng mga dayuhang grupong itinuturing na terorista at iba pang indibidwal na kumikilos para sa interes ng mga banyagang pamahalaan.

Matatandaang noong Hunyo ay ibinasura ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang naunang hakbang ni Trump na limitahan ang birthright citizenship, isang karapatang nakapaloob sa Konstitusyon ng Amerika. Sa kabila nito, ipinagpatuloy ng administrasyon ang paghahanap ng mga paraan upang higpitan ang polisiya sa pagkamamamayan sa bansa.

--Ads--