--Ads--

Nagbabala ang Iran sa Estados Unidos laban sa anumang panibagong pag-atake at nangakong gaganti kung itutuloy ni US President Donald Trump ang mga banta nito laban sa bansa.

Sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi sa magkahiwalay na pakikipag-usap sa mga opisyal ng Turkey, Pakistan at Saudi Arabia na handa ang Iran na tumugon sa anumang agresyon ng Amerika at mga kaalyado nito.

Binigyang-diin din niya na anumang pag-atake ng Estados Unidos at Israel, o pakikilahok ng ibang bansa sa naturang aksyon, ay haharap sa katumbas na tugon mula sa Iran.

Samantala, ayon sa ulat, maaaring targetin ng Iran ang mga oil at gas facility sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar at Israel kung sasalakayin ng Amerika ang energy infrastructure nito.

--Ads--

Sa kabila nito, sinabi ni Trump na may pag-asa pa ring magkaroon ng kasunduan sa Iran, bagama’t inamin niyang nawawalan na siya ng tiwala sa Tehran at muling nagbanta ng pag-atake.