--Ads--
Umabot sa ₱2.39 trilyon ang kabuuang pangungutang ng pamahalaan mula Enero hanggang Setyembre 2026, bahagyang mas mababa sa ₱2.40 trilyon na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Batay sa Bureau of the Treasury, umakyat ng 8.2 porsiyento sa ₱139.5 bilyon ang pangungutang noong Setyembre mula sa ₱128.9 bilyon noong nakaraang taon.
Sa kabuuan, katumbas na ito ng 87.7 porsiyento ng ₱2.73 trilyong target na pangungutang ng pamahalaan para sa buong taon.
Samantala, umabot na sa rekord na ₱19.61 trilyon ang kabuuang utang ng bansa sa pagtatapos ng Agosto, dulot ng mga bagong pangungutang at paghina ng piso.
--Ads--









