--Ads--

Paiigtingin ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 ang mga kampanya sa consumer awareness at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor upang mapangalagaan ang karapatan ng mga mamimili.

Ayon kay Atty. Angie Gumaru, OIC Division Chief ng Consumer Protection Division ng DTI Region 2, binigyang-diin ito sa idinaos na 15th Cagayan Valley Consumer-Business Convergence nitong Martes, Oktubre 27, sa The Capital Arena sa Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Layunin ng pagtitipon na palakasin ang ugnayan ng mga mamimili, negosyo at pamahalaan sa pagtukoy at pagtugon sa mga isyu sa consumer protection.

Kabilang sa mga pangunahing hakbang ng ahensiya ang pagpapalawak ng information campaigns at pagtuturo sa mga kabataan tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad bilang mamimili.

--Ads--

Binigyang-diin ni Gumaru na responsibilidad ng lahat ng sektor ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga produkto at pangangalaga sa kapakanan ng mga consumer.