--Ads--

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtataas sa quota ng inaangkat na mais sa bansa, mula 220,000 metric tons patungong 500,000 metric tons ngayong 2026.

Sa ilalim ng Executive Order No. 129, inaasahang magkakaroon ng kakulangan na 1.42 milyong metric tons sa suplay ng yellow corn mula Marso hanggang Disyembre dahil sa mataas na gastos sa produksyon, presyo ng krudo at epekto ng El Niño.

Layunin ng dagdag na importasyon na matugunan ang pangangailangan sa pakain ng mga manok at alagang hayop, at makatulong sa pagpapatatag ng presyo ng feeds.

Inaatasan ang MAV Management Council na maglabas ng mga alituntunin sa loob ng 30 araw upang matiyak ang malinaw at maayos na pamamahagi ng karagdagang quota sa pag-angkat.

--Ads--

Nilagdaan ng pangulo ang kautusan noong Oktubre 26.