--Ads--

Umakyat ng 120.01 points o 2.13% ang Philippine Stock Exchange index o PSEi upang magsara sa 5,761.19 points. Samantala, tumaas din ng 1.67 % ang All Shares Index sa 3,213.96 points.

Ayon kay Luis Limlingan ng Regina Capital Development, posibleng technical rebound ang pag-angat ng merkado matapos ang tatlong magkakasunod na araw ng pagkalugi, habang sinamantala ng mga mamumuhunan ang mas mababang presyo ng mga stock.

Gayunman, inaasahang mananatiling maingat ang mga mamumuhunan matapos umabot sa 64 piso kada dolyar ang palitan ng piso, na maaaring magdulot ng pagtaas sa presyo ng mga inaangkat na produkto at gastos ng mga kumpanya.