Opisyal nang kinilala ng Guinness World Records ang Luceros y Penumbras bilang pinakamalaking pop-up book sa mundo, na tampok sa pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Los Angeles Public Library sa Estados Unidos.
Naka-display ang aklat sa Richard J. Riordan Central Library at nilikha ng artist na si Daniel González, katuwang ang mga paper engineer na sina Matthew Reinhart at Ann Marshall, habang ang aktuwal na paggawa nito ay isinagawa ng Goodnight & Co.
May sukat itong 15.41 talampakan por 20.01 talampakan kapag nakabukas, habang umaabot naman sa 11 talampakan ang taas ng mga disenyong lumilitaw sa bawat pahina.
Dahil sa laki nito, kinakailangan ang sampung katao upang maibuklat at maibaling ang mga pahina ng aklat, na pinamagatang Luceros y Penumbras o “Starlight and Shadows” sa wikang Ingles.











