--Ads--
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules sa publiko na huwag mataranta sa patuloy na paghina ng piso kontra dolyar, kasabay ng pagtitiyak na gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng posibleng hakbang upang maipagtanggol ang halaga ng salapi ng bansa.
Ayon kay Marcos, may sapat na mga mekanismo ang pamahalaan upang pigilan ang patuloy na pagbaba ng halaga ng piso.
Nagsara ang piso sa panibagong record low na ₱64.17 kada dolyar nitong Martes, batay sa datos ng Bankers Association of the Philippines.
Dahil nakadepende ang bansa sa inaangkat na langis, hilaw na materyales at produktong agrikultural, maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at gastusin sa araw-araw ang paghina ng piso.
--Ads--











