--Ads--

Hindi na umaasa ang House Prosecution Panel na personal na haharap si Vice President Sara Duterte sa kaniyang impeachment trial.

Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, nananatiling hindi sumisipot ang Bise Presidente sa paglilitis kung saan maaari niyang sagutin ang mga alegasyon tungkol sa umano’y tago o hindi maipaliwanag na yaman.

Binanggit ni Adiong na batay sa ilang survey, marami sa mga Pilipino ang nais na personal na humarap si Duterte upang ipaliwanag at depensahan ang kaniyang sarili laban sa mga paratang.

Gayunman, iginiit ni Adiong na ang patuloy na hindi pagdalo ng Bise Presidente sa paglilitis ay nag-iiwan ng mga katanungan kung bakit hindi nito hinaharap ang mga alegasyon laban sa kaniya.

--Ads--