Muling nakamit ng aktor at restaurateur na si Marvin Agustin ang pagkilala sa larangan ng food business matapos mapanatili ng kaniyang restaurant na Cochi ang Michelin Bib Gourmand recognition para sa 2027.
Kabilang ang Cochi sa 31 restaurant na napili sa naturang kategorya ng Michelin Guide Philippines, na kumikilala sa mga establisyamentong naghahain ng masasarap at de-kalidad na pagkain sa abot-kayang halaga.
Hindi ito ang unang pagkakataong nakatanggap ng naturang pagkilala ang restaurant ni Agustin matapos din itong mapabilang sa inaugural Michelin Guide selections sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang karera bilang aktor, patuloy na pinagsasabay ni Agustin ang pag-arte at pagpapatakbo ng kaniyang restaurant business.





