--Ads--

Hindi makalalaro sa susunod na apat na linggo ng NBA season si Portland Trail Blazers guard Ja Morant matapos magtamo ng injury sa kaniyang kaliwang hamstring.

Kinumpirma ng Trail Blazers nitong Biyernes na nagtamo si Morant ng Grade 2 left hamstring strain matapos ma-injured noong Huwebes sa fourth quarter ng kanilang 124-103 pagkatalo kontra Memphis Grizzlies.

Muling susuriin ang kondisyon ng 27-anyos na American player makalipas ang apat na linggo upang malaman kung maaari na siyang makabalik sa paglalaro.

Bago ang injury, nakapagtala si Morant ng average na 15.8 points, 5.5 assists, 2.5 rebounds at 1.0 steals sa bawat laro sa unang apat na laro ng Portland ngayong season.

--Ads--

Nakatulong din siya upang makapagtala ang Trail Blazers ng 3-1 win-loss record sa kanilang unang apat na laro.

Naging bahagi muna ng Memphis Grizzlies si Morant sa unang pitong season ng kaniyang NBA career bago siya ipinagpalit sa Portland noong Hunyo.

Noong 2022, kinilala rin siya bilang NBA Most Improved Player matapos magpakita ng malaking pag-unlad sa kaniyang laro.