--Ads--

Umabot sa 40.7 milyong katao ang dumagsa sa mga sementeryo, memorial park, at columbarium sa buong bansa mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 bilang paggunita sa Undas 2026, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., umabot sa 40,740,246 ang naitalang bisita sa 5,311 sementeryo at memorial park hanggang alas-6 ng ­umaga ng Nobyembre 2. Sa bilang na ito, 1,695,440 ang naitala noong Nob­yembre 2 lamang.

Patuloy namang naka-deploy ang mga pulis sa mga sementeryo at iba pang mataong lugar upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at pagtugon sa mga emergency. Nasa 6,499 ipinagbabawal na kagamitan ang nakum­piska, kabilang ang mga patalim, alak, lighter, si­garilyo, vape at iba pang mada­ling magliyab na materyal.

Sinabi ni Nartatez na nananatiling nakahanda ang kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang dumadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Pinayuhan din niya ang publiko na ma­ging mapagmatyag, bantayan ang mga bata at ingatan ang kanilang mga personal na gamit.

--Ads--