--Ads--

Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian na panagutin sa ilalim ng batas ang may-ari ng pet crematorium na umano’y nagtapon ng mga labi ng mga patay na alagang hayop sa isang bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Gatchalian, malinaw na paglabag sa environmental laws at sanitation regulations ang naturang insidente dahil sa halip na isailalim sa cremation ang mga alagang hayop, basta na lamang itinapon ang mga ito sa bakanteng lote.

Nakababahala rin aniya na nagbayad ang mga pet owner para matiyak na maayos na mabibigyan ng huling pagpupugay ang kanilang mga alaga, ngunit hindi naman ito natupad.

Inilarawan pa ng senador bilang panloloko ang insidente at iginiit na dapat managot ang lahat ng sangkot.

--Ads--

Kasabay nito, hinimok niya ang mga local government unit at mga kinauukulang ahensya, kabilang ang Bureau of Animal Industry, na magsagawa ng inspeksyon at audit sa mga pet service provider sa bansa, partikular sa mga nagpapatakbo ng pet crematorium.