--Ads--

Hinamon ng Malakanyang si Philippine National Police (PNP) Chief Jose Melencio Nartatez na arestuhin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa anuman ang kanilang ugnayan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, na kilala niya mismo si Nartatez at alam niya na nangunguna sa kanya ang obligasyon at hindi ang kanyang pakikipagkaibigan o pakikipag-alyado sa sinuman na dapat arestuhin.

Si dela Rosa at Nartatez ay kapwa alumnus ng Philippine Military Academy (PMA).

Giit pa ni Castro, naniniwala sila sa kagali­ngan ng ating kapulisan at tiwala na tutuparin nila kung ano ang kanilang mandato na inihahain sa kanila.

--Ads--

Ang reaksyon ng Malakanyang ay kaugnay sa pag- amin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang koneksyon ni Bato bilang dating PNP Chief at alumnus ng PMA kaya nahihirapan sila sa ngayon na mahanap ang senador.