--Ads--

Arestado ang isang 33-anyos na lalaki matapos ipatupad ng mga tauhan ng San Manuel Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Isabela Police Provincial Office ang isang Search Warrant sa Purok Malacañang East, Barangay Villanueva, San Manuel, Isabela, nitong Nobyembre 3, 2026.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Jhake,” na kabilang sa listahan ng High-Value Individuals (HVI) at residente ng nasabing lugar.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant kaugnay ng paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa isinagawang paghahalughog, nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.8 gramo, gayundin ang dalawang walang lamang light-green Doublemint plastic containers.

--Ads--

Ang naarestong indibidwal at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya ng San Manuel MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.