Inihayag ni United States President Donald Trump na napagkasunduan nila ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na itigil na ng Washington ang pagbibigay ng apat na bilyong dolyar na tulong sa Israel matapos ang taong 2026.
Ayon kay Trump, matagal na nilang napag-uusapan ni Netanyahu ang posibilidad na wakasan ang naturang assistance dahil naniniwala siyang kaya nang tustusan ng Israel ang sarili nitong pangangailangan sa depensa.
Gayunman, nilinaw ni Trump na maaari pa ring magbigay ng suporta ang Estados Unidos sa Israel kung kinakailangan, bagama’t inaasahan niyang mas magiging independent na ang bansa sa pagbili ng sarili nitong mga armas at military equipment.
Sa ilalim ng kasalukuyang kasunduan ng dalawang bansa, nakatatanggap ang Israel ng 3.8 billion dollars na military assistance kada taon mula sa Estados Unidos, kabilang ang pondo para sa pagbili ng mga kagamitang pandepensa.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang tanggapan ni Netanyahu bilang tugon sa anunsiyo ni Trump.
Hindi pa rin malinaw kung paano ipatutupad ang planong paghinto sa tulong at kung sasaklawin nito ang lahat ng kasalukuyang military assistance ng Amerika sa Israel.











