Muling lumakas ang piso kontra US dollar matapos magsara sa P63.47 kada dolyar nitong Martes, Nobyembre 3, na pinakamataas na antas nito sa halos dalawang linggo.
Batay sa datos ng Bankers Association of the Philippines, nagkamit ng 27 sentimos ang piso mula sa dating P63.74 na palitan noong Biyernes, Oktubre 30.
Ayon sa isang currency trader, nakatulong sa paglakas ng piso ang mga senyales ng posibleng pagluwag ng tensiyon sa Middle East na nagdulot naman ng pagbaba sa presyo ng langis.
Nakatulong din sa lokal na pera ang pagbaba ng US Treasury yields at pagtaas ng remittances kasunod ng mahabang holiday weekend.
Samantala, inaasahang maglalaro sa P63.30 hanggang P63.70 ang palitan ng piso kontra dolyar sa Miyerkules, Nobyembre 4, habang hinihintay ang paglalabas ng datos sa employment sa Estados Unidos.











