--Ads--

Target ni Filipina tennis star Alex Eala na makausad sa quarterfinals ng 2026 Hong Kong Open sa kanyang pagtutuos kay Tereza Valentova ng Czech Republic sa Round of 16 ngayong araw.

Gaganapin ang kanilang laban alas-6:30 ngayong gabi sa Victoria Park Tennis Stadium sa Hong Kong.

Nakuha ni Eala ang puwesto sa second round matapos talunin si Australian world No. 132 Emerson Jones, 6-4, 6-3, habang nagmula naman si Valentova sa panalo kontra Himeno Sakatsume ng Japan, 6-3, 7-5.

May 2-0 head-to-head advantage si Valentova laban kay Eala matapos siyang talunin sa Osaka, Japan noong nakaraang taon at sa Doha Open sa Qatar nitong Pebrero.

--Ads--

Aminado si Eala na naging mahirap ang kanilang mga nakaraang paghaharap, ngunit determinado siyang paghandaan ang laban at ibigay ang buong makakaya upang makabawi.

Nagpasalamat din ang Filipina tennis star sa mga kababayang dumagsa sa kanilang unang laban at patuloy na nagpapakita ng suporta sa kanya.