--Ads--

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Rodil V. Zalameda bilang susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema, ayon sa anunsyo ni Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano.

Papalitan ni Zalameda si Chief Justice Alexander Gesmundo na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 6 matapos maabot ang mandatory retirement age na 70.

Kabilang si Zalameda sa limang nominado ng Judicial and Bar Council para sa nasabing posisyon, kasama sina Senior Associate Justice Marvic Leonen at iba pang mahistrado ng Korte Suprema.

Bago italaga bilang Associate Justice ng Korte Suprema noong 2019, nagsilbi siyang Associate Justice ng Court of Appeals at humawak din ng iba’t ibang posisyon sa serbisyo publiko, kabilang ang pagiging prosecutor.

--Ads--

Kapag tuluyang nanumpa, siya ang magiging ika-28 Chief Justice ng Pilipinas.