--Ads--

Muling naghain ng manifestation sa Korte Suprema ang kampo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa upang hilingin ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa banta ng pag-aresto sa kaniya kaugnay ng warrant ng International Criminal Court (ICC).

Sa petisyong inihain nina Atty. Israelito Torreon at Atty. Resci Rizada, iginiit ng kampo ng senador na dapat nang aksiyunan ng Korte Suprema ang kanilang apela matapos ideklarang “armed and dangerous” si Dela Rosa at alukin ng ₱50 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong hahantong sa kaniyang pag-aresto.

Binigyang-diin din nila na walang inilabas na arrest warrant laban sa senador ang alinmang lokal na korte sa bansa.