--Ads--

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namomonitor na anumang seryosong banta sa seguridad kaugnay ng gaganaping 2026 ASEAN Summit sa bansa sa susunod na linggo.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., hanggang sa kasalukuyan ay mababang antas lamang ng banta ang kanilang namamalayan at sinusuri sa ngayon.

Sa kabilang banda, iginiit ng pamunuan ng pulisya na hindi sila magpapakampante sa kabila ng magandang sitwasyon, lalo pa’t inaasahan ang pagdating ng iba’t ibang lider mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Upang masiguro ang kaayusan, puspusan na ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng pamahalaan kung saan nakatakdang ganapin ang mga opisyal na aktibidad.

--Ads--

Bagamat hindi pa nagtataas ng pormal na alert status, tiniyak ng kapulisan na nakahanda silang pakilusin ang buong puwersa upang mabigyan ng mahigpit at maaasahang seguridad ang naturang internasyonal na pagtitipon.