--Ads--

Nagbabalik sa recording scene ang OPM icon na si Bamboo Mañalac matapos ang 11 taon sa pamamagitan ng kaniyang bagong solo single na “Alon.”

Ito ang una niyang solo release mula nang ilabas ang album na “Bless This Mess” noong 2015.

Sa isang press conference, sinabi ni Bamboo na mas pinipili niyang maglaan ng panahon sa paggawa ng kanta upang matiyak na magiging makabuluhan ito sa kaniya at sa kaniyang mga tagapakinig.

Ayon sa singer, isinulat ng matagal na niyang collaborator na si Ria Osorio ang “Alon,” na dumaan pa sa ilang pagbabago bago nabuo ang pinal nitong arrangement.

--Ads--

Inihayag din ni Bamboo na may iba pa siyang mga kantang nais ilabas at umaasa siyang makapaglabas ng panibagong musika at makipag-collaborate muli sa ibang artists sa susunod na taon.

Mapapakinggan na ang “Alon” sa mga pangunahing digital streaming platforms.