--Ads--

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang paninira sa mga dekorasyon para sa ASEAN Summit sa Barangay Ibo, Lapu-Lapu City, Cebu na dinaanan ng mga convoy ng mga lider ng bansa.

Ayon kay Mayor Cindi King-Chan, ipinag-utos na ang imbestigasyon at nag-alok siya ng pabuya para sa makapagtuturo sa mga salarin.

Sinabi ng PRO-7 na mahaharap sa kaso ang mga responsable sa oras na makilala, at binigyang-diin na pondo ng gobyerno ang ginamit sa mga dekorasyon.

Tinitingnan na rin ang mga CCTV footage mula sa Cebu, Mandaue, at Lapu-Lapu na konektado sa Multi-Agency Command Center para sa seguridad ng summit.

--Ads--