--Ads--

Umaasa ang grupong PISTON o Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide na patuloy na bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa kasabay ng pagkapanalo ng democrats party sa katatapos na halalan sa Estados Unidos.

Sa susunod na lingo ay inaasahan ang big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo, kasunod ng resulta ng US midterm elections kung saan natalo ang karamihan sa mga kapartido ni U.S. President Donald Trump.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PISTON Chairman Mody Floranda, sinabi nito na makatutulong ang pagbaba ng presyo sa paglaki ng arawang kita ng mga tsuper sa bansa.

Gayunman, hindi maiwasang mangamba ni Floranda na baka hindi tuluyang ipatupad nang husto ng Department of Energy ang naturang pagbaba sa kadahilanang nagpapatuloy pa rin ng kaguluhan sa Middle East.

--Ads--

Samantala, sasalubingin ng kilos-protesta ng kanilang hanay ang pagbisita ni US President Donald Trup sa Pilipinas para ASEAN Summit upang kondenahin ang planong pagtatayo ng Pax Silica sa bansa.

Ito ay sinimulan ngayong araw at magpapatuloy hanggang sa Nobyembre 17.

Naniniwala silang ang dahilan ng kanyang pagbisita ay hindi lamang para sa ASEAN Summit kundi para sa pagtatayo ng Pax Silica na makaaapekto sa maraming Pilipino.