--Ads--

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Alicia Municipal Police Station dakong alas-7:30 kagabi sa Barangay Apanay, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na Juan, residente ng Barangay Aurora at umano’y sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin, hepe ng Alicia Police, ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant. Nakumpiska sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, cellphone at P1,000 buy-bust money.

Inamin naman ng suspek na gumagamit siya ng ilegal na droga at nasa isang taon na ring nagbebenta nito dahil umano sa pangangailangang pinansiyal.

--Ads--

Tiniyak ni PMaj. Mallillin na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa ilegal na droga at hinimok ang publiko na umiwas sa naturang gawain.