--Ads--

Bumaba sa $97.4 billion ang dollar reserves ng Pilipinas noong Oktubre mula sa $99.49 billion noong Setyembre, bunsod ng foreign exchange operations ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pagbaba ng presyo ng ginto at pag-withdraw ng pamahalaan para sa pagbabayad ng utang.

Ayon sa BSP, nangyari ito sa gitna ng paghina ng piso na umabot sa record low na ₱64.20 kada dolyar noong Oktubre 27.

Gayunman, tiniyak ng BSP na nananatiling sapat ang reserves ng bansa, katumbas ng 6.1 buwang halaga ng imports at 3.1 beses ng short-term external debt.

Nagbabala naman si UnionBank Chief Economist Ruben Carlo Asuncion na dapat bantayan ang patuloy na pagbaba ng reserves dahil maaari nitong limitahan ang kakayahan ng BSP na tugunan ang mga external economic shocks at matinding pagbabago sa palitan ng piso.

--Ads--