--Ads--

Posibleng pumalo sa 8.1% ang inflation rate sa bansa ngayong Oktubre dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, kuryente at pamasahe, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa pagtataya ng BSP, maaaring umabot sa 7.1 hanggang 8.1% ang inflation, mas mataas kumpara sa 7.2% na naitala noong Setyembre.

Kung maaabot ang pinakamataas na forecast, ito na ang pinakamataas na inflation rate mula noong Pebrero 2023 na naitala sa 8.6%.

Ayon sa BSP, pangunahing dahilan nito ang pagmahal ng global oil prices bunsod ng tumitinding tensyon sa Middle East. Posible namang bahagyang mapigilan ang pagtaas ng presyo dahil sa sapat na suplay ng bigas, gulay, karne at isda.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Jonathan Ravelas, senior adviser ng Reyes Tacandong & Co., na posibleng magpatupad ang BSP ng karagdagang 50-basis-point interest rate hike kung patuloy na tataas ang inflation upang mapigilan ang pagmahal ng mga bilihin.