--Ads--

Hindi pa rin agad mararamdaman ng mga traditional jeepney driver sa Cauayan City ang ginhawa sa kabila ng malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Nobyembre 10.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Boyet Pagulayan, isang traditional jeepney driver, sinabi nitong hindi sapat ang naunang pagbaba ng presyo ng diesel upang makabawi ang mga tsuper sa sunod-sunod na oil price hike.

Ayon kay Pagulayan, mas ramdam nila ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis dahil malaking bahagi ng kanilang kita ang napupunta sa pambili ng krudo, habang hindi naman sapat ang naibabawas kapag may rollback.

Batay sa anunsyo ng Department of Energy (DOE), bumaba ngayong araw ang presyo ng gasolina ng ₱16.80 kada litro, diesel ng ₱4.10 at kerosene ng ₱3.70.

--Ads--

Umaasa naman ang mga tsuper na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng diesel upang mabawasan ang kanilang puhunan at mas malaki ang maiuwi nilang kita sa araw-araw na pamamasada.