--Ads--

Bumagal sa 2.1 percent ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas nitong ikatlong quarter ng 2026, pinakamababa mula noong COVID-19 pandemic, bunsod ng paghina ng konstruksyon, agrikultura at paggasta ng mga mamamayan.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, mas mababa ito kumpara sa 2.4 percent noong ikalawang quarter.

Kabilang sa mga dahilan ang 15.1 percent na pagbaba sa government construction, 4.8 percent na pagliit ng sektor ng agrikultura at mabagal na paglago ng household spending na nasa 2.4 percent lamang.

Ayon kay Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisacan, nakaapekto sa ekonomiya ang mataas na presyo ng pagkain at enerhiya, mahinang produksyon sa agrikultura at mababang pamumuhunan.

--Ads--

Dahil dito, kinakailangang lumago ng 6.3 percent ang ekonomiya sa ikaapat na quarter upang maabot ang pinakamababang target ng pamahalaan na 3.5 percent ngayong taon.