--Ads--

Dumating na sa Pilipinas ang Hollywood actress at Oscar-winning star na si Angelina Jolie kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Inaasahang magiging isa si Jolie sa mga tagapagsalita sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit na gaganapin sa Maynila.

Makakasama niya sa sesyong pinamagatang “From Memory to Possibility: Cambodia, Courage and the Power of Staying” ang filmmaker na si Rithy Panh.

Tatalakayin sa kanilang sesyon ang matagal nang pakikipag-ugnayan ni Jolie sa mga komunidad sa Cambodia, gayundin ang kahalagahan ng pagtitiwala at mga programang pinangungunahan ng mismong mga komunidad.

--Ads--

Layunin naman ng summit na pagsama-samahin ang mga lider mula sa negosyo, pamahalaan at civil society upang talakayin ang mga oportunidad para sa mas inklusibong paglago ng ekonomiya sa rehiyon.