Target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na simulan sa 2027 ang lokal na produksyon ng polymer banknotes upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa mga dayuhang supplier.
Ayon kay BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan nitong Lunes, Nobyembre 9, naghahanda na ang ahensya ng production line sa Security Plant Complex sa Quezon City na may kapasidad na gumawa ng tinatayang 500 milyong polymer banknotes kada taon.
Sa kasalukuyan, umaasa ang Pilipinas sa Australia para sa produksyon ng naturang salapi.
Matatandaang unang inilabas ng BSP ang ₱1,000 polymer banknote noong Abril 2022, na sinundan ng ₱500, ₱100 at ₱50 denominations.
Ayon sa BSP, mas matibay at mas mahirap pekein ang polymer bills dahil sa mga security feature nito. Maaari rin itong tumagal nang hanggang 7.5 taon kumpara sa karaniwang 1.5 taon ng paper banknotes.
Nilinaw naman ng ahensya na mananatiling legal tender ang mga umiiral na paper banknotes at patuloy na magagamit kasabay ng polymer bills.










