--Ads--

Iniutos ng Sandiganbayan ang 90-araw na preventive suspension laban kay Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez kaugnay ng mga kasong nakabinbin laban sa kaniya sa anti-graft court.

Ayon sa resolusyon ng hukuman, alinsunod ang naturang hakbang sa Section 13 ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nilinaw ng Sandiganbayan na hindi ito parusa o pinal na hatol, kundi isang hakbang upang matiyak na hindi magagamit ng opisyal ang kaniyang posisyon habang nagpapatuloy ang pagdinig sa mga kaso.

Dahil dito, pansamantalang hindi muna magagampanan ni Romualdez ang kaniyang mga tungkulin bilang kongresista at iba pang opisyal na gawain sa House of Representatives sa loob ng tatlong buwan.

--Ads--

Ipinadala na rin ng hukuman sa Kamara ang kopya ng kautusan para sa agarang pagpapatupad nito.

Samantala, sinabi ng kampo ni Romualdez na iginagalang nila ang proseso ng batas, ngunit nakatakda silang magsumite ng motion for reconsideration upang kuwestiyunin ang naturang direktiba.