--Ads--

Pansamantalang ipagbabawal ng Philippine Coast Guard ang paglalayag sa mahigit 7,200 ektarya ng karagatan sa Barangay Dodan, Aparri, Cagayan sa Nobyembre 24.

Bahagi ito ng safety measures para sa Counter-Landing Live Fire Exercise ng Philippine Army, na kabilang sa Joint Exercise Dagat-Langit-Lupa 10-26.

Saklaw ng pagbabawal ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat at watercraft upang maiwasan ang aksidente habang isinasagawa ang military exercise.

Pinayuhan ang publiko at mga disaster risk reduction office na magsagawa ng kaukulang hakbang pangkaligtasan.

--Ads--

Muli lamang papayagan ang paglalayag sa lugar matapos ang nasabing aktibidad.

Layunin ng Counter-Landing Live Fire Exercise na subukan ang kakayahan ng militar na ipagtanggol ang mga baybayin ng bansa laban sa posibleng paglusob mula sa dagat.