--Ads--

Nagbigay ng espesyal na pagtatanghal si Broadway icon Lea Salonga para sa mga delegado ng ASEAN Inclusive Growth Summit nitong Miyerkules sa pamamagitan ng pag-awit ng ilan sa mga sikat na Disney songs na nagpasikat sa kanya sa buong mundo.

Sa mga videos, mapapanood si Salonga habang inaawit ang mga kantang Reflection at A Whole New World, na kapwa umani ng palakpakan mula sa audience na kinabibilangan ni Hollywood actress Angelina Jolie.

Inawit din ni Salonga ang kantang Tagumpay Nating Lahat bilang bahagi ng programa ng summit.

Dinaluhan ng mga lider at personalidad mula sa ASEAN region ang pagtitipon upang talakayin ang inklusibong pag-unlad at matiyak na nabibigyan ng pagkakataong marinig ang boses ng bawat sektor ng lipunan.

--Ads--

Kamakailan lamang, muling gumawa ng kasaysayan si Salonga bilang kauna-unahang Pilipinong ginawaran ng bituin sa Hollywood Walk of Fame sa kategoryang Live Performance.