Nakatakdang pangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagho-host sa programang “Fostering the Future Together” na inisyatiba ni US First Lady Melania Trump sa Nobyembre 16, kasabay ng ika-49 na Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Maynila.
Ayon kay Melania Trump, layunin ng programa na pag-isahin ang iba’t ibang bansa sa pagbibigay ng kaalaman, teknolohiya at mga kinakailangang kagamitan sa susunod na henerasyon upang makatulong sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan.
Sinabi naman ni US Special Envoy for Best Future Generations Charity Wallace na inaasahang dadalo sa forum ang mga first spouse mula sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.
Pangunahing tatalakayin sa pagtitipon ang mga hakbang para maprotektahan ang mga kabataan laban sa mga panganib sa internet o online environment.











