--Ads--

Itinalaga si Chief Financial Officer Colette Kress bilang pansamantalang chief executive officer (CEO) ng Nvidia habang naghahanap ang kumpanya ng permanenteng kapalit ni Jensen Huang.

Ayon sa Nvidia, pinag-aaralan nito ang mga posibleng kapalit mula sa loob at labas ng kumpanya.

Kasabay nito, pinangalanan si Harvey Jones, dating CEO ng Synopsys at matagal nang miyembro ng board, bilang bagong chairman nito.

Samantala, bumagsak ng 4.3 porsiyento ang shares ng Nvidia matapos ang anunsiyo ng pagbibitiw ni Huang, bago bahagyang nakabawi sa after-hours trading.

--Ads--

Matatandaang nagbitiw si Huang kasunod ng kontrobersiya sa umano’y personal niyang relasyon sa isang Chinese businesswoman na pinaghihinalaang may kaugnayan sa intelligence operations ng Beijing.

Nagsagawa rin ang Nvidia ng independent investigation upang alamin kung naging target ang dating CEO ng foreign intelligence operation.