--Ads--

Inaasahang muling bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo, kung saan posibleng umabot sa ₱5 kada litro ang tapyas-presyo sa diesel.

Batay sa huling pagtaya, posibleng bumaba ng ₱4 hanggang ₱5 kada litro ang presyo ng diesel, habang ₱3 hanggang ₱4 kada litro naman ang inaasahang rollback sa gasolina.

Nakabatay ang naturang pagtaya sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa galaw ng palitan ng piso kontra dolyar.

Gayunman, hindi pa kabilang sa kalkulasyon ang gastos sa ocean freight at insurance.

--Ads--

Subalit maaari pa ring magbago ang presyo bunsod ng pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay kasunod ng mga pag-atake sa energy infrastructure ng Saudi Arabia at sa mga insidente sa shipping sa Strait of Hormuz.