--Ads--

Nakasulat ng kasaysayan ang Pilipinas matapos masungkit ni Carmelle Collado ang kauna-unahang kampeonato sa inaugural Eurovision Song Contest Asia na ginanap sa Bangkok, Thailand nitong Nobyembre 14.

Nakakuha si Collado ng kabuuang 211 puntos sa kanyang pagtatanghal ng kantang “Sobra-Sobra,” na isinulat nina Nica del Rosario at Mat Olavides. Nanguna siya sa jury voting matapos makakuha ng 93 puntos mula sa 11 national juries at nakakuha rin ng 118 puntos mula sa public votes.

Pumangalawa ang Thailand na kinatawan ng Mang x Daou na may 170 puntos, habang pumangatlo naman ang Vietnam na may 164 puntos. Kabilang din sa top five ang Malaysia at Laos.

Bilang kauna-unahang kampeon ng patimpalak, nakatakda rin siyang maging guest performer sa Eurovision Song Contest 2027 na gaganapin sa Burgas, Bulgaria.

--Ads--