--Ads--

Sisimulan ng Filipina tennis star na si Alex Eala ang kaniyang 2027 season sa pagsabak sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand, na nakatakdang ganapin mula Enero 4 hanggang 10.

Inaasahang kabilang si Eala sa mga seeded players ng WTA 250 tournament dahil sa kasalukuyan niyang ika-15 puwesto sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings, ang pinakamataas na narating niya sa kaniyang karera.

Hindi na bago kay Eala ang naturang torneo matapos siyang umabot sa semifinals ng singles event noong Enero ng kasalukuyang taon, kung saan natalo siya kay Wang Xinyu ng China.

Nakasabak din siya sa doubles event kasama ang Amerikanang si Iva Jovic, ngunit kapwa sila nabigo sa semifinals.

--Ads--

Ayon kay Eala, excited siyang makabalik sa Auckland dahil sa mainit na pagtanggap at suporta ng Filipino community doon.

Bahagi ng paghahanda ng Pinay netter sa Australian Open ang pagsali sa ASB Classic, na gaganapin sa Melbourne mula Enero 17 hanggang 31.