--Ads--

Anim na katao ang sugatan matapos araruhin ng isang dump truck ang walong sasakyan at bumangga sa isang tindahan sa kahabaan ng Sumulong Highway, Barangay Mambugan, Antipolo City, Rizal nitong Martes ng hapon, Nobyembre 17.

Batay sa ulat, umano’y nawalan ng preno ang dump truck habang binabagtas ang pababang bahagi ng highway malapit sa Francisville.

Kabilang sa mga nabangga ng truck ang anim na motorsiklo, isang van at isang sport utility vehicle o SUV bago tuluyang tumama sa isang tindahan.

Kabilang sa anim na nasugatan ang may-ari ng tindahan na tinamaan ng dump truck.

--Ads--

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima at patuloy na nagpapagaling.

Nagdulot din ng pagbagal sa daloy ng trapiko sa lugar ang insidente.

Samantala, dinala sa Police Community Precinct 1 ang driver at pahinante ng dump truck para sa kaukulang imbestigasyon.